Sunday, August 12, 2012

Higit pa sa Ulan


Bawat patak, tila nga mga nota,
Unti-unti, bumubuo ng musika;
Gaya ng mga pangarap sa umaga
Hatid nila’y maningning na pag-asa.

Lumalakas, humihina ang hangin,
Takot na dala’y sumisilip, nagpapapansin
Puso’y nagtatanong, may nais alamin
Iyon ba’y ‘di na dapat pang isipin?

Ulan ay tumila, katahimikan ang narinig,
Di maikakailang nagungusap Iyong tinig;
Pinapaalala nito, Ika’y nasa aking panig,
Higit na malakas sa ulan ang Iyong pag-ibig.

No comments:

Post a Comment